-- Advertisements --

Nagtungo si Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara sa lalawigan ng Camarines Sur para bisitahin ang mga paaralan doon.

Nilalayon rin ng personal na pagbisita nito na matiyak na nasa mabuting kalagayan ang mga guro at mga bata matapos na maapektuhan ng mga pagbaha ang lalawigan kamakailan dahil sa bagyo.

Bukod dito ay pinangunahan rin ng kalihim ang isinagawang inagurasyon ng Camarines Sur School Division Office Learning and Development Center sa Del Rosario, Pili.

Kabilang sa mga paaralan na binisita nito sa lalawigan ay ang Rodriguez National High School, Gainza Central School, Minalabac National High School, at maging ang Bula Central School.

Taos-puso naman ang pasasalamat ni Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte sa naging pagbisita ni Angara sa kanilang probinsya.

Magkasama ang dalawa sa pagbibigay ng tablet, laptop, at cash donations para sa mga residente ng lalawigan.