-- Advertisements --

Nagpahayag ngayon ng pagkabahala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr sa mga naging pahayag ng ilang lokal na opisyal na sa ginanap na Hakbang ng Maisug Prayer Rally sa lungsod ng Cebu noong nakaraang linggo.

Ayon sa kalihim na ito ay maituturing na disturbing dahil ang ilan sa mga naging mensahe nito sa ginanap na rally ay hindi angkop sa kaganapan.

Giit pa ng opisyal na ang bawat opisyal ay siya dapat nagsisilbing ehemplo sa kanilang mga nasasakupan o constituent .

Punto ni Abalos, na ang mga ito ang tumatayong kinatawan ng kanilang komunidad at kabataan.

Aniya, bilang opisyal ng gobyerno ay dapat kumilos ng naaayon sa mandato ng opisina.

Kinakailangan rin aniyang iwasan ng mga paggamit ng mga bastos na pananalita at isaisip sa lahat ng oras ang Code of Ethics