Pinuri ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr mga tauhan ng Bureau of Fire Protection dahil sa maagap nitong pagresponde sa sunog na sumiklab sa main wing ng Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila kahapon.
Dahil sa mabilis na aksyon ay hindi na lumawak pa ang apoy at ka agad itong naapula matapos ng ilang minuto.
Ayon sa kalihim, sila ay maituturing na bayani dahil sa maagap nitong aksyon.
Batay sa datos ng BFP , aabot sa 13 firetrucks at isang ambulansya ang idineploy ng BFP sa naturang lugar upang maapula ang sunog sa isang bahagi ng naturang pagamutan.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagmula ang apoy sa Wards 1 at 3 ng ospital.
Ito ay nagresulta naman sa pagpapalikas ng mga pasyente, doktor, nurse, at iba pang kawani nito.
Tiniyak rin ng DOH na handa ang mga ospital sa Metro Manila upang tanggapin ang mga pasyenteng naapektuhan ng nasabing sunog.