Tiniyak ng bagong talagang kalihim ng Department of National Defence na si Sec. Gilberto Teodoro na kanyang pagtutuunan ng pansin ang pagpapa-unlad sa head office ng kanilang ahensya.
Sa isang pahayag, binigyan diin ng opisyal na posible ang pag-asenso ng kanilang ahensya kung wala itong sariling capital outlay sa national budget.
Ipinaliwanag rin ng kalihim na ang Department of National Defence ay siyang naatasang mangasiwa sa apat na kalakip na kawanihan, Armed Forces of The Philippines at mga stakeholders na tinatayang nasa isang milyong indibidwal .
Aminado ang opisyal na hindi madaling gampanan ang kanilang mga tungkulin kung nasa apat na raan lamang ang kabuuang bilang ng mga personahe ng DND at luma pa ang kanilang mga pasilidad.
Giit rin nito na kailangang palakasin ang managerial capability ng kanilang ahensya sa pamamagitan ng pagpapahusay ng kasanayan sa sa program management, analytics, prediction, contracting, at international relations; kasabay ng career development ng kanilang mga tauhan.
Upang matagumpay na maisakatuparan ang mga plano ng ito, hihingi ang kalihim ng karagdagan pondo sa kamara at para na rin sa planong nitong i modernize ang Armed Forces of the Philippines.