-- Advertisements --
Tiniyak ni Department of Finance Secretary Ralph Recto na hindi tataas ang interest rate dahil sa paghina ng piso kontra dolyar.
Ginawa ng kalihim ang naturang pahayag sa harap ng media kasabay ng naitalang palitan ng piso sa dolyar na pumalo sa P57.96.
Nakabatay aniya ang gagawing hakbang ng BSP Monetary Board sa maitatalang inflation data.
Kung maaalala, bahagyang bumaba ang halaga ng piso mula sa 17-month high.
Kabilang sa mga itinuturong dahilan ng pagbaba ng halaga nito ay ang kasalukuyang tension sa gitnang silangan.
Kinumpirma rin ng kalihim na kalahok siya sa gaganaping policy meeting ng monetary board sa darating na Mayo 16.