-- Advertisements --
image 170

Nakatakdang bumisita ngayong araw ang kalihim ng Department of Labor and Employment na si Bienvenido Laguesma sa probinsya ng Albay partikular na sa lungsod ng Legazpi.

Dadalo ang kalihim para sa pormal na paglulunsad ng “Pagkaing Oragon ” na gaganapin sa Tektone Village sa nasabing lugar.

Inaasahang makakasama ni Laguesma si Labor Usec. Atty. Benjo Santos Benavidez na namumuno sa Workers Welfare and Protection Cluster ng ahensya.

Kabilang rin sa dadalo ay si Labor Asec. Lennard Constantine Serrano na may hawak sa Labor Relations, Policy and International Affairs Cluster ng DOLE.

Posibleng dadalo rin sa naturang programa ang ilang pang opisyal ng gobyerno.

Ito ay ang mga sumusunod AKO Bicol Representative Elizaldy Co AKB Representative Raul Angelo Bongalon , Atty Alfredo A. Garbin Jr., Executive Director ng parehong partido at marami pang iba