Nakikita na ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang positibong epekto ng mga long weekends para sa taong 2024 sa sektor ng turismo sa bansa.
Ayon kay Frasco, ito ay magbibigay ng potensyal dahil sa pamamagitan ng long weekends, maitataas nito ang sektor ng turismo sa bansa.
Dagdag pa ng opisyal, ang estratehiyang tulad ng long weekend vacation ay sang-ayon rin sa National Tourism Development Plan, na layuning itulak ang pambansang turismo sa Pilipinas.
batay sa dato ng PSA, noong 2022 nakapagtala ang Pilipinas ng aabot sa 102 million domestic trips o katumbas ng P1.5 trillion sa domestic tourism expenditure.
Patuloy naman ang paghimok ni Sec. Frasco sa mga Pilipino na sa pamamagitan ng extended weekends na tuklasin ang mga hidden gems ng bansa at itaguyod ang pagpapahalaga sa iba’t ibang kultura sa Pilipinas.