-- Advertisements --
Kalilangan Doble Kara gensan

GENERAL SANTOS CITY – Tuluyan nang kinansela ang Kalilangan 2020 sa lungsod.

Ito ang kinumpirma ni GenSan Mayor Ronnel Rivera sa panayam ng Bombo Radyo GenSan.

Ayon sa alkalde ang nasabing hakbang ay dahil sa pangamba sa 2019 novel coronavirus.

Ayon dito, dapat isaalang-alang ang kaligtasan ng mga mamamayan sa lungsod.

Nabatid na kasama sana ang “Doble Kara Singing Contest” ng Bombo Radyo GenSan sa highlights na mga aktibidad tuwing Kalilangan 2020 kung saan certified na itong humahakot ng libu-libong audience.

Nakatakda sana itong gagawin sa Oval Plaza sa darating na Pebrero 25 ng gabi.

Ngunit nilinaw ng LGU-GenSan na isasagawa pa rin ang wreath laying ceremony para sa bantayog ni General Paulino Santos kasabay ng founding anniversary ng GenSan.