-- Advertisements --
BAGUIO CITY– Balak ng Department of Tourism-Cordillera na isama sa listahan ng UNESCO Intangible Cultural Heritage ang kakaibang courtship dance ng mga taga- Kalinga na “Digdiga ni Tupayya”.
Ayon kay DOT-Codillera Officer-In-Charge Jovita Ganongan, ang “Digdiga ni Tupayya” ay courship dance na nangangailangan ng partisipasyon ng buong komunidad.
Sinabi niya na nakahanda ang ahensia na tumulong sa lokal na pamahalaan ng Kalinga sa kanilang aplikasyon sa UNESCO.
Sa pamamagitan aniya ng pagiging UNESCO Intangible Cultural Heritage ay hindi makakalimutan ng mga taga Kalinga ang katutubong sayaw at maipamana pa sa susunod na henerasyon.