-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY-May dengue outbreak na sa lalawigan ng Kalinga.

Sinabi ni Dr. Edward Tandingan, head ng Provincial Health Office na ito ay matapos na makapagtala sila ng 1, 069 na kaso sa nakalipas na apat na buwan.

Ayon kay Tandingan, ito ay mas mataas kumpara sa 44 cases nitong 2021.

Bukod dito, tatlo ang namatay dahil sa nasabing sakit ngayong taon habang walang namatay nitong nakalipas na taon.

Sinabi ni Tandingan na ang mga bayan ng Rizal at Tinglayan ang nakapatala ng pinakamataas na kaso ng dengue.

Ipinaliwanag pa ni Tandingan na bagamat itinuturing na probable dengue cases ang mga ito ay isinasailalim na ang mga ito sa kaukulang gamutan.

Sinabi niya na 62 ang naka-admit sa pitong ospital at infirmaries sa lalawigan.

Dahil dito, sinabi ni Tandingan na patuloy ang kanilang ginagawang interventions upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng dengue sa Kalinga.