CENTRAL MINDANAO – Pangungunahan ni acting Governor Shirlyn Macasarte Villanueva ang pagbubukas ng 105th Foundation Anniversary at Kalivungan festival Celebration 2019 sa probinsya ng Cotabato ngayong araw.
On-leave pa ngayon si Vice-Governor Emmylou ”Lala” Mendoza kaya naman umuupo ngayon ang acting governor at bilang acting vice-governor naman si Senior Board Member Villanueva pagkatapos suspindihin ng sandigang bayan si Cotabato Governor Nancy Catamco.
Unang bubuksan ang market-market sa Kapitolyo Agro-Fair sa Centennial Pavilion o the Basket, Capitol Compound, Brgy Amas, Kidapawan City.
Bukas sa publiko ang mga exhibits at display upang saksihan na kinabibilangan ng mga booth display na naglalaman ng natatanging produkto ng bawat bayan sa lalawigan, small and medium enterprises at cooperative display.
Ang market-market sa kapitolyo ay isa sa mga highlights ng selebrasyon ngayong taon kung saan naka-feature dito ang mga produktong pang-agrikultura at agro-ecotourism sites ng bawat bayan sa lalawigan.
Ang market-market sa kapitolyo ay isang linggo na magsisimula ngayong araw hanggang September 1 kasabay ng culmination program at awarding ng best dressed booth ang lead office para sa pagsasakatuparan ng Market-Market sa Kapitolyo ay ang Office of the Provincial Agriculturist ng Cotabato.
Una nang sinabi ni Cotabato Governor Nancy Catamco na kahit nasuspende siya ng 90 na araw plansado na anya ang inihandang programa sa Kalivungan Festival.