-- Advertisements --
Nakikitang solusyon pa rin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) laban sa epekto ng El Niño ang Kaliwa Dam.
Sinabi ni MWSS Administrator Leonor Cleofas na ang nasabing Kaliwa Dam ay isang long-term solution na maituturing para hindi magkulang ng suplay ng tubig sa Metro Manila.
Huling nagtayo ng dam ang bansa ay noon pang 1978 kaya mararapat na maitayo na ito ngayon.
Napapanahon ito aniya dahil sa pagdami ng populasyon ay tumaas din ang demand ng tubig.
Natatagalan na ito ay maitayo dahil sa patuloy ang pagtutol ng iba’t-ibang grupo na maapektuhan nito.