-- Advertisements --
Naglunsad ng malawakang kilos protesta mula sa iba’t-ibang bansa bilang paggunita sa isang taon na pag-atake ng Hamas sa Israel.
Maraming mga protesters ang nagtungo sa kalsada ng Barcelona, Jakarta, Sydney at iba para kondinahin ang pagkakasawi ng mahigit 1,200 katao sa Israel.
Base sa kasi sa ilang opisyal ng United Nations na ang nasabing giyera sa pagitan ng Israel at Hamas ay nakapatay na ng mahigit 40,000 katao.
Nanguna naman ang Santo Papa sa pagdarasal sa mga nasawing biktima na isinagawa nito sa Basilica of Saint Mary Major.
Ang mga mamamayan naman ng Israel ay nagsagawa ng prayer vigil sa lugar kung saan ginanap ang Nova Music Festival site.
Kasamang dumalo sa nasabing lugar ang mga kaanak ng mga nasawing biktima.