-- Advertisements --

Mananatiling bukas at ligtas para sa biyahe ang lahat ng pampublikong kalsada at tulay sa Sorsogon, sa kabila ng bahagyang pag-ulan ng abo mula sa aktibidad ng Bulusan Volcano, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Dagdag pa ng ahensya na magaan hanggang katamtaman ang nararanasang daloy ng trapiko, at patuloy ang clearing operations sa mga lugar na apektado ng ash fall.

Wala namang naiulat na aksidente at nanatiling passable ang lahat ng daanan para sa mga uri ng sasakyan.

Samantala kasalukuyan din ibinaba ang alert level 1 sa Bulusan Volcano na nagpapakita ng posibleng mga steam-driven explosions at localized ashfall.

Pinayuhan ang mga motorista na mag-ingat habang nagpapatuloy ang mga monitoring at clearing operations sa buong lalawigan.