-- Advertisements --

Nagsama-sama ang mga empleyado ng New York City government na magpintura ng “BLACK LIVE MATTER” mural sa kalsada ng sa labas ng Trump Tower sa Manhattan.

Maging si Mayor Bill de Blasio ay sumama sa pagpintura sa kahabaan ng Fifth Avenue.

Kasama rin sa nasabing pagpintura si civil rights leader Rev. Al Sharpton.

Sinabi ng alkalde na nais lamang nilang ipakita ang pagiging malaya ng lugar.

Kinontra nito ang pahayag ni US President Donald Trump na ang nasabing paraan ng ginagawa nila ay isang uri ng unfair criticism.