-- Advertisements --

LAOAG CITY – Hindi pa masabi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDDRMO) sa bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte kung hanggang kailan sarado ang kalsada sa Barangay Pancian na pangunahing daanan papunta sa probinsya ng Cagayan.

Sinabi ni Hendrick Pedronan ng MDRRMO na dahil sa tuloy-tuloy na pagguho ng lupa ay halos 30 hangang 50 metro na natabunan na kalsada.

Ayon pa kay Pedronan, pinull-out na nila ang mga personnel na nagsasagawa ng clearing operations dahil patuloy pa rin ang pagguho ng lupa at delikado para sa kanila.

Inihayag nito na kung magpapatuloy ang ulan na sinasabayan pa ng hangin ay hindi pa rin sila makakapunta sa pinangyarihan ng landslide na posibleng ito ang maging dahilan na sarado ang kalsada ng ilang araw.

Dahil dito, maraming mga saksakyan na papunta sana sa Rehiyon 2 ang stranded ngayon sa naturang bayan.

Samantala, dahil pa rin sa pagbaha ay mahigit isang libong pamilya ang apektado at dalawang pamilya naman ang kanilang inilikas.