-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Gumuho ang malaking bahagi ng kalsada sa Barangay Temporan, Magpet, Cotabato nitong gabi ng Huwebes.

Dahil dito hindi na madaanan ng mga sasakyan ang kalsada kaya kinailangan bumalik sa Arakan, Cotabato o kaya lumusot sa bayan ng President Roxas.

May mga kabahayan sa gilid ng kalsada ang muntik ng tamaan sa gumuhong lupa na tumabon sa kalsada.

Ang nangyaring landslide ay dulot ng malakas na buhos ng ulan na dala naman ng sama ng panahon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang koordinasyon at validation ng Municipal Disater Risk Reduction and Management Office (MDRRMO-Magpet) sa mga opisyal ng Barangay Temporan sa nangyaring landslide.