-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Gumuho ang malaking bahagi ng kalsada sa Sitio Upper Bao Brgy Upper Bao Alamada North Cotabato.

Dulot ito ng malakas na buhos ng ulan dahil sa sama ng panahon na tumama sa Mindanao.

Ito mismo ang kinomperma ni Alamada Mayor Jesus “Susing”Sacdalan kung saan apektado ang byahe ng mga sasakyan na may mga kargang mga produkto mula sa kanilang sakahan na ibibinta sa lungsod.

Gumuho rin ang bahagi ng Sitio Tinago, Sitio Busay, Sitio Tumindok at Sitio Mahayahay na mga sakop ng Brgy Paruayan sa bayan ng Alamada.

Apektado rin ng baha ang Sitio Campo Uno sa Brgy Paruayan, Sitio Manglicmot at Sitio Dry Creek Brgy Camansi, Purok 1 at Purok 2 Brgy Mirasol,Purok 3,4,6 at PNP Village Brgy Kitacubong na pawang mga sakop ng bayan ng Alamada Cotabato.

Mabilis namang kumilos ang LGU-Alamada sa pamumuno ni Mayor Susing Sacdalan at agad binigyan ng ayuda ang mga residente na apektado ng baha at landslide.

Nanawagan si Mayor Sacdalan sa mga lumikas na residente na wag kalimutan ang pagsuot ng facemask at physical distancing para mapangalagaan ang kanilang kalusugan.

Sa ngayon ay nanatiling Covid 19 free positive case ang bayan ng Alamada Cotabato at hinigpitan pa ng Municipal Health Office ang pagpapatupad ng health protocols kontra Covid 19.