-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nasira na ang kalsada sa Barangay Anick, Pigcawayan Cotabato.

Dahil ito sa walang tigil na buhos ng ulan sa lugar simula pa noong nakaraang araw at matagal na itong nirereklamo ng mga residente.

Ito ay farm to market road na nagdudugtong sa Barangay Anick at Tigbawan sa bayan ng Pigcawayan .

Ilang ektaryang panamin na saging, niyog at mais na rin ang sinira ng tubig baha.

Napag-alaman na matagal na palang problema ang quarry sa lugar.

Ayon sa mga nakatira malapit sa lugar ang quarry ang itinuturo nilang dahilan kung bakit gumuho ang naturang kalsada.

Dismayado rin ang mga residente dahil sa tila walang interbensyon ang barangay maging ang MENRO Pigcawayan sa problema.

May ilang opisyal ng bayan ang tila bingi,bulag at pipi sa hinaing ng mga residente sa Barangay Anick Pigcawayan Cotabato.