-- Advertisements --
ILOILO CITY – Mahigpit na binabantayan ang kalusugan ng 750 na mga inmate sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Male dormitory matapos magpositibo sa COVID-19 ang higit 38 mga kapwa preso.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jail Supt. Gilbert Peremne, deputy regional director for operations ng BJMP Region 6, sinabi nito na naka-isolate na ngayon ang 38 mga preso sa nasabing kulungan.
Sa ngayon ayon kay Peremne, kinansela na rin ang hearing ng mga preso habang hindi pa natitiyak na maayos ang kanilang kalusugan.
Posibleng madagdagan pa umano ang mga nagpostibo sa COVID-19 ayon sa opisyal dahil hindi pa naipalabas ang resulta ng RT-PCR test ng nasabing mga inmates.