-- Advertisements --
Nagkakaroon ng bahagyang improvements ang kalusugan ni Pope Francis matapos ang anim na araw na pananatili sa pagamutan.
Ayon sa Vatican, na naging mapayapa ang buong gabi ng 88-anyos na Santo Papa.
Naging stable at walang anumang problema na nakita sa kaniyang blood test.
Ang polymicrobial infection sa respiratory tract ay siyang nagdulot ng pneumonia sa magkailang baga nito.
Pinasalamatan din ng Santo Papa ang mga nagtungo sa labas ng pagamutan para mag-alay ng dasal at vigil sa mabilis na pagpapagaling nito.