-- Advertisements --
Patuloy ang paggaling ni dating Pangulong Joseph Estrada habang ito ay nasa pagamutan.
Sinabi ng anakn nitong si dating senador Jinggoy Estrada na wala ng lagnat at naging maganda na rin ang mga vital signs nito.
Tinanggal na rin ng mga doktor ang mga nakalagay na tubo sa kaniya katawan.
Maging ang kaniyang chest x-rays ay nagpakita ng malaking improvements.
Dagdag pa ng anak nito na kumanta pa ang dati ring alkalde ng Manila ng paborito nitong kanta na “Always”.
Nagsagawa rin ng online mass si Father Jerry Orbos para sa dating pangulo na dinaluhan ng mga dati at kasalukuyang opisyal ng bansa.
Patuloy pa rin ang panawagan din nito sa mga mamamayan ng pagdarasal para sa mabilisang paggaling ng ama.