Isiniwalat ng Criminal Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nakakatnaggap ang mga pamilya ng 34 na nawawalang sabungero ng cash assistance kapalit ng pag-atras sa paghahanap ng katarungan sa pagkawala ng kanilang kamag-anak.
Ayon kay CIDG director Police Brig. Gen. Ronald Lee ng kondisyon ng mga callers ay lumalabas na kabayaran para sa mga pamilya para hindi na ituloy pa ang imbestigasyon at mga kaso na inihain ng pulisya.
Kinukumpirma na aniya ng CIDG ang tawag at phone numbers na ginamit ng callers subalit hindi na aniya macontact.
Una rito, napaulat na nawawala ang 34 na sabungero simula 2020 dahil umano sa game0fixing sa online sabong.
Daalwang kaso na ang inihain ng CIDG kaugnay sa naturang insidente kabilang ang 8 respondents at iba pang 5 pulis sa kaso ng online sabong master agent na si Ricardo Lasco na pwersahang dinukot noong nakalipas na taon sa Laguna.
Ayon kay Lee, inaantay pa nila ang resolution ng 2 kaso mula sa Department of Justice.
Nangako naman si Lee na hindi ito titigil sa paghahanap ng hustisiya para sa misteryosong pagkawala ng mga sabungero.
-- Advertisements --