Umarangkada na ang 10-araw na joint military exercises ng US at Philippine Marines.
Ang taunang KAMANDAG exercises ay nakatoon ngayon sa pagpapalakas ng depensa sa north coast bansa o sa isla ng Luzon na matatagpuan sa 800 kilometro mula sa Taiwan.
Sinabi ni Philippine Marine Corps commandant Major-General Arturo Rojas na ang nasabing military exercise ay taunang ginaganap ay hindi ito natataon lamang dahil sa tensiyon na nagaganap sa West Philippine Sea sa pagitan ng Pilipinas at China.
Nakatuon ang military drills sa live-fire exercises sa karagatang bahagi ng Luzon at ilang aktibidad naman ang gaganapin sa mga maliit na isla ng Pilipinas sa Luzon at Taiwan.
Paglilinaw nito na hindi sila nagsasagawa ng military exercise para samahan ang laban ng Taiwan.