“All systems go” na para sa ikalawang State of the Nation Address SONA ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., bukas, July 24,2023.
Ito ang tiniyak ng mga opisyal ng House of Representatives.
“Its all systems go on Monday,” ayon kay House of Representatives (HRep) Secretary General Reginald Velasco.
Inihayag din ni Secgen Velasco na mayruong tatlong internet service providers (ISPs) ang naka standby bilant contingency upang matiyak na magiging maayos ang SONA 2023 coverage.
“We want to be sure that the message ni Presidente will be communicated well, hindi magkakaroon ng glitches of any kind,” pahayag ni Velasco.
Ayon naman kay House of Rep. Sergeant-at Arms (SAA) retired PMajor General Napoleon Taas, nagsanib pwersa ang security contingent mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP).
Nasa kabuuang 29,000 personnel ang ideploy SONA day.
“Security is not an issue,” pahayag ni Taas.
Ibinunyag din ni Taas na ito ang kauna-unahang gumamit ang House of Representatives ng online system for validating entry sa loob ng Batasan Complex.
Ito ay kahalintulad ng model na ginagamit ng US Embassy at ng Department of Foreign Affairs (DFA).