All-set na ang House of Representatives para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa darating na July 22,2024.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco bagamat patuloy pa ang pag-aayos nakahanda na sila para sa ulat ng bayan ng Punong Ehekutibo.
Kanina nagpulong ang Inter-Agency Coordination Committee para i-finalized ang preparasyon para sa Lunes.
Nagsagawa din ng walkthrough para malaman kung saan dadaanan ang pangulo, magpahinga ang first family, at ang magiging puwesto ng lahat ng mga guest.
Nagsagawa din ng simulation para sa magiging protocol sa pagdating ng Pangulong Marcos at first family at iba pang mga guest.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Office of the President, Presidential Communications Office, House of Representatives, Senate, Presidential Security Command, PNP, AFP, at iba pang mga concerned agencies.
Sa panayam kay House Secretary General Reginald Velasco, sinabi nito na in-placed na rin ang lahat maging ang sa usapin sa seguridad.
Mahigpit ang seguridad na ipatutupad sa loob at labas ng Batasan Pambansa.
Ayon sa Inter-Agency Coordination Committee nasa 22,000 uniformed personnel ang idedeploy sa SONA.
Sinabi ni Velasco na ang kakanta ng Lupang Hinirang sa SONA ay ang multi-awarded singer Blessie May Abagat.