Nakatakdang magpulong ngayong buwan sina Speaker Martin Romualdez at Senate President Chiz Escudero para plantsahin ang anumang hindi pagkakaintindihan ng dalawang chamber.
Sa ngayon, sinimulan na ng House of Representatives at Senado ang kanilang koordinasyon para sa kanilang legislative priorities, bago ang ikatlo at huling regular na sesyon ng 19th Congress.
Sinabi ni Speaker Romualdez nagkaroon sila ng pahanon para makapag-usap sila ni Escudero, kung saan una niyang tinalakay ang common legislative agenda ng dalawang kamara kasama.
Aniya, dagdag pa na nagkasundo sila ni Senate president Escudero na bago ang LEDAC meeting na sa third week ng buwan na ‘to ay mag-uusap sila.
Aniya, may kanya-kanyang koordinasyon din si House Majority Leader Jose Manuel Dalipe at ang kanyang counterpart sa Senado na si Sen. Francis Tolentino.
Sinabi pa ni Speaker na batid ni Escudero at ng iba pang bagong pinuno ng Senado na naipasa na ng Kamara ang lahat ng priority measures ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Paliwanag pa ni Speaker yung coordination ay partikular sa mga bicameral conference committees sa kung paano mag reconcile ang dalawang magkaibang bersiyon.
Ipinunto ni Speaker Romualdez na siya at ang kanyang mga kasamahan ay maghihintay na lang sa Senado sa pag-prioritize kung alin sa mga lokal na batas na ipinasa at ipinadala rin natin sa Senado ang maaaksyunan.
Nang tanungin tungkol sa mga iminungkahing pag-amyenda sa mga mahigpit na probisyon sa ekonomiya ng Konstitusyon na itinataguyod niya at ng kanyang mga kasamahan sa Kamara, sinabi ng pinuno ng Kamara na nakabinbin din ito sa Senado.