-- Advertisements --

Tiniyak ng mga mambabatas mula sa Upper and Lower Houses na patuloy ang kanilang pagsuporta sa peace and development initiatives sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Dumalo kamakailan ang mga mambabatas mula sa House of Representatives at Senado sa Bangsamoro Parliament members kasabay sa isinagawang first organizational meeting para sa Philippine Congress-Bangsamoro Parliament Forum (PCBPF) na ginanap sa Pasay City.

Tinalakay sa nasabing pulong ang mga priority laws and projects na magpapaunlad at magbibigay ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.

Kabilang sa mga dumalo ay sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez na pinangunahan ang pagtalakay sa mga mahahalagang batas gaya ng Bangsamoro Electoral Code, Bangsamoro Local Government Code, Bangsamoro Revenue Code, at Bangsamoro Law for Indigenous Peoples.

Tinalakay din sa naturang pulong ang kauna-unahang BARMM Elections na nakatakda sa May 12, 2025, kabilang ang Bangsamoro Electoral Code,gayundin ang iba pang mga mahahalagang batas at mga hakbangin na may kaugnayan sa imprastraktura at seguridad.

Ayon kay Bangsamoro Parliament Member Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, na siya ring Floor Leader ng Bangsamoro Transition Authority’s (BTA) na nagkaroon na ng makabuluhang pag-unlad sa rehiyon lalo nasa peace and order simulang nang maitatag ang BARMM nuong 2019.

Siniguro naman ng opisyal na kanila pang pagbutihin na maging malinis, maayos at tapat na halalan sa 2025.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing pulong ay ang sumusunod: Bangsamoro Chief Minister Ahod Ebrahim, BTA Speaker Pangalian Balindong; MPs Jose Lorena, Raissa Jajurie, Eduard Guerra, Ubaida Pacasem, Omar Yasser Sema, Abdulkarim Misuari, Lanang Ali Jr., at Marjanie Macasalong; Senators Loren Legarda and Robinhood Padilla; House Majority Leader Manuel Jose Dalipe; Representatives Rex Gatchalian, Yasser Alonto Balindong, Joey Salceda, and Maximo Dalog, Jr.; Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman at BARMM Minister Mohagher Iqbal na siyang co-chairs ng Inter-governmental Relations Body (IGRB).