Nagdadalamhati ang buong House of Representatives pagpanaw ni dating Bulacan 2nd district Rep. Pedro Pancho.
Ngayong Biyernes, dinala ang mga labi ni Pancho sa Batasan Complex para sa isang Necrological Services.
Pansamantalang inihinto ang plenary debates ng Kamara para sa 2024 General Appropriations Bill, para bigyang-daan ang necrological services.
Isang resolusyon ang pinagtibay ng Kamara na nagpapaabot ng taos-pusong pakikiramay para sa mga naulila ni Pancho.
Batay sa ulat, si Pancho ay nasawi noong Sept. 21, 2023 sa edad na 89.
Si Pancho ay nahalal miyembro ng Kamara mula noong 1992 hanggang 2001, at mula 2004 hanggang 2013.
Sa kasalukuyang 19th Congress, ang kanyang anak na si Rep. Tina Pancho ang kinatawan ng ikalawang distrito ng Bulacan.