Hinimok ni bagong House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga kapwa kongresista na makiisa at makipagtulungan sa pagbabago ng imahe ng Kamara.
Sa kanyang unang talumpati, inamin ni Cayetano na bagamat nananatili ang tiwala ng publiko sa mga kongresista ay nag-iba ang paniningin ng mga ito sa mismong kapulungan ng House of Representatives.
“This is something I ask all of you in unison. Let us change that because this is the House of the People,” ani Cayetano.
Ayon sa House Speaker, responsibilidad ng Kamara na maging malapit sa publiko bilang takbuhan ng sambayanan.
Kaya dapat daw na magpursige rin ang mga mambabatas maging “relevant, responsive and reliable” sa publiko.
“United and we commit to God, our people the work of the 18th Congress,” saad ng lider ng Kamara.