Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na hindi magpapatinag ang Kamara sa mga batikos na ipinupukol ng mga kritiko.
Mensahe ni House Speaker sa mga umaatake sa Kamara para ihinto ang mga pag-dinig, hindi aatrasan ng Kapulungan ang anomang laban para sa bayan.
Sa katunayan nangako si Romualdez na hindi tatantanan ng Kamara ang pag-iimbestiga sa mga isyu na may kinalaman sa presyuhan ng bigas, pagkain at kuryente.
Sa kaniyang opening statement sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ngayong araw, sinabi ng lider ng Kamara na ang mabuting pamamahala ay nangangailangan ng transparency at accountability.
Ang ang Kapulungan ay is sa mga tagapagbantay, kaya asahan na aniya ang mga ikakasang imbestigasyon para masigurong ang pondo ng bayan ay tumutugon sa pangangailangan ng publiko.
Kabilang sa mga iimbestigahan ang isyu ng smuggling at hoarding na nagpapahirap sa mga magsasaka at nagpapataas sa inflation.
Kasama rin dito aniya ang P206 billion na disallowed expenditures ng NGCP upang msiguro ang reporma sa kuryente at mas mababang singil.
Pagpapaliwanagin din aniya ng Kapulungan ang P11.8 billion na halaga ng expired na gamot at hindi nagamit na pondo ng Philhealth.
Tuloy din aniya ang pagsilip sa sinasabing maling paggamit sa confidential funds.
Sisiguraduhin din ng Kamara na walang Filipinong maiiwan sa mga programa ng gobyerno.
Giit ni Speaker Romualdez titiyakin ng Kamara na itutulak ang batas na mag-aangat sa buway ng bawat Pilipino.
Pina-alalahan din nito ang mga kapwa mambabatas na bumuo ng batas na may empathy at manungkulan na may integridad.