-- Advertisements --
House Congress
House of Representatives

Nakahanap na ang Kamara ng pagkukuhanan ng dagdag na pondo para sa polio vaccination program ng Department of Health (DOH) sa susunod na taon.

Sa isang pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy na P250 million ang ire-realign nilang pondo sa ilalim ng 2020 proposed budget para sa bakuna sa sakit na polio sa mga batang may edad na 5 taon pababa.

Sinabi ni Herrera-Dy na kukinin ang alokasyon para rito sa ilalim ng Quick Response Fund (QRF) ng DOH na rin mismo.

Nauna nang nanawagan ang DOH sa Kamara na dagdagan ng P800 million ang kanilang pondo para sa polio vaccination kasunod nang pagbalik ng naturang sakit sa Pilipinas makalipas ang ilang dekada.

Pero ayon kay Herrera-Dy, P250 million lang ang maari muna nilang i-realign sapagkat may nakalaan na rin naman aniyang pondo para sa vaccination program ng DOH sa ilalim ng 2020 General Appropriations Bill (GAB).

“Kaya siguro 250 muna binigay namin kasi bakit kailangan agn ganoon kalaking pondo considering it supposed to be part of of the below 5 years old standard immunization for all children,” saad ng kongresista.