Dinoble ngayon ng House of Representatives ang ibibigay na cash grant na nasa P6 million para kay Carlos Yulo kung saan dalawang gold medal ang kaniyang nasungkit sa 2024 Paris Olympics.
Unang inanunsiyo ni House Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na magbibigay ang Kamara ng P3 million dahil sa panalong gold medal nito nuong Sabado.
Si Yulo ang kauna-unahang Filipino na makapg uwi ng dalawang gold medal mula sa olympics.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, bukod sa cash incentives, matatanggap din ni Yulo ang congressional medal dahil sa kaniyang exceptional achievement at contribution sa Philippine sports.
Ang cash incentives mula sa Kamara ay bukod pa sa P10-million incentive na makukuha ng isang Filipino Olympic gold medalist na batay sa batas.
Nagsagawa din ng fundraising initiative si Speaker Romualdez sa mga lawmakers para magbigay ng dagdag na incentives.kay Yulo.
Pinuri ni Speaker Martin Romualdez si Yulo at sinabing siya ay isang “once-in-a-century athlete matapos makuha ang double gold sa Paris Olympics.