Iginagalang ng mababang kapulungan ng Kongreso ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang ilang items sa 2019 national budget.
Ginawa ni House Majority Leader Fredenil Castro ang naturang pahayag matapos na lagdaan na ni Pangulong Duterte ang pambansang pondo ngayong taon para maging ganap nang batas.
“We welcome the President’s signing of the 2019 budget. We respect his decision to veto some items in the budget,” ani Castro.
Ayon sa mambabatas, nakonsidera ng Pangulo sa pag-aaral na ginawa ng team nito ang lahat ng factors kaya inalis ang P95. 3 billion halaga ng proyekto sa ilalim ng alokasyon ng Department of Public Works and Highways.
Kaya handa aniya ang Kamara na sundin ang pasyang ito at simulan na rin ang trabaho at pagtupad sa mga priority projects ng Duterte administration para sa mamamayang Pilipino.
“The House of Representatives will continue to work in harmony with the President’s desire to create a better life for every Filipino,” dagdag pa ni Castro.