-- Advertisements --

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na tutulong ang Kamara para maresolba ang pagsisikip ng mga jail facilities sa bansa.

Sa kaniyang talumpati sa National Jail Decongestion Summit, hindi lamang logistical at infrastructure ang usapin at ito ay usapin ng human rights.

Sa talaan ng Department of Justice na 70 percent ng mga detention facility ng Bureau of Jail Management and Penology ay decongested na ng halos 400 percent.

Paniguro ng mambabatas na kanilang diringin ang anumang panukala kung paano masolusyunan ang siksikan ng mga kulungan sa bansa.