Hindi patitinag ang Kamara sa anumang mga distraction para ilihis ang totoong isyu.
“No amount of distraction should divert attention from ferreting out the facts behind the use of confidential funds.”
Ito ang sinabi ni Taguig City Rep. Amparo Maria “Pammy” Zamora, miyembro ng House Blue Ribbon Committee, kaugnay ng paglabas ng galit ni Vice President Sara Duterte kung saan ininsulto at nagbanta ito na patayin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Zamora kung gusto talagang mag-camp out ni VP Sara sa Kamara, mas mabuti na harapin na din niya ang mga miyembro ng Blue Ribbon Committee.
“This is an opportunity for Vice President Duterte to address the serious concerns about her office’s confidential fund spending and the allegations tied to her chief-of-staff,” dagdag pa ng lady solon.
Ang desisyon ni Duterte na magkampo sa tanggapan ng kanyang kapatid sa loob ng Batasan Complex kung saan nakakulong ang kanyang chief-of-staff na si Zuleika Lopez ay nagdulot ng matinding pagbatikos mula sa mga mambabatas, na hindi nag-atubiling manawagan para sa pananagutan kasunod ng mga ginawang ‘eksena’ ng Pangalawang Pangulo.
Kabilang na dito ang umano’y pagbabanta laban kay Pangulong Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, na nagdulot ng pagkabahala sa mga mambabatas at sa publiko.
Iginiit pa ni Zamora ang nakakaalarmang mga banta, at ang kahalagahan ng democratic checks and balances.
“Ang banta niya laban sa Pangulo, Unang Ginang at sa Speaker ay hindi dapat balewalain. This will definitely be looked into,” pahayag pa ni Zamora.
Ang pagkulong kay Lopez ay nag-ugat sa umano’y iregularidad na kinasasangkutan ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).
Ang direktiba ng Kamara na ilipat si Lopez sa isang detention facility sa Mandaluyong ay kagya’t na tinutulan ni Duterte.
Kinondena ni Zamora ang pagtutol ng Bise Presidente bilang pagpapakita ng kawalang paggalang sa awtoridad ng institusyon.
“Instead of complying with lawful orders, the vice president has chosen the opposite path. This diverts attention from the critical questions surrounding her office’s actions,” ayon kay Zamora.
Iginiit pa ni Zamora na ang nakatakdang pagdinig ng Blue Ribbon sa Lunes ay isang magandang pagkakataon para direktang harapin ni Duterte ang mga alegasyon.
“The hearing is not about personal vendettas; it is about ensuring transparency in the use of public funds. Transparency and accountability are the cornerstones of public trust. By attending the hearing, Vice President Duterte can prove that she values these principles,” saad pa ni Zamora.
Iginiit pa ni Zamora na nakahanda ang komite na usisain ang mga withdrawals ng confidential funds ng OVP at mga alegasyon ng hindi tamang paggastos sa pondo ng bayan.
“Kung seryoso siya sa pagiging lingkod-bayan, kailangan niyang humarap at magpaliwanag. The Filipino people deserve proper answers,” dagdag pa ng mambabatas, pahayag ni Zamora.