-- Advertisements --

Naninindigan ang House prosecution panel na dapat aksiyunan ng Senado ang isinumite nilang “ writ to issue summons “ para pasagutin si Vice President Sara Duterte sa impeachment complaint laban sa kanya.

Ito ang posisyon ni Representative Gerville Luisto ng Batangas, isa sa miembro ng 11-man House prosecution team matapos ibasura ni Senate President Chiz Escudero ang mosyon na isinumite ng House prosecution team.

Sa posisyon ni Escudero, hindi pwedeng isumite ang writ of summons kay VP Sara dahil hindi pa sa ngayon tumatayong impeachment court ang Senado.

Paliwanag ni Luistro, malinaw sa Senate rules ang salitang “forthwith” o agad-agad nang maisumite ng Kamara ang Articles of Impeachment laban sa Bise Presidente noong Pebrero.

Dahil magkaiba ang pananaw ng Kamara at Senado sa impeachment proceedings, inaasahan na mareresolba lang ito sa magiging ruling ng Korte Suprema.

Matatandaan, sa isinampang 22-page petition for mandamus ni Atty. Catalino Generillo Jr., sinabi nito na tungkulin ng Senado na aksiyunan ang impeachment complaint at hindi katuwiran ang recess o naka-break ang sesyon para hindi simulan ang impeachment proceedings.

Hanggang sa ngayon, wala pang ruling ang Kataas-taasang Hukuman