Magsasagawa ng imbestigasyon ang House of Representatives kaugnay ng gentleman’s agreement sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping kaugnay ng paglimita sa suplay na ipinapadala sa mga sundalong nasa BRP Sierra Madre.
Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, ito ay bilang tugon na rin sa hiling ni Assistant Majority Leader Jay Khonghun, lalo’t naniniwala ang mga eksperto na ang kasunduan ay maituturing na ‘treason’, lalo na at ito ay ginawa ng dating pinuno ng bansa.
Sinabi pa ni Dalipe; “Protecting our national territory and marine resources are of utmost importance.”
Sumasang-ayon din ang mambabatas kay Khonghun, at ilang pang kasapi ng Mababang Kapulungan na kailangang suriin ang mga implikasyon ng sinasabing kasunduan sa karapatan at soberanya ng Pilipinas.
Magsisimula namang magbukas ang sesyon ng Kongreso sa darating na April 29.