-- Advertisements --

Muling inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong patawan ng parusang kamatayan ang illegal drug possession sa mga party, social gatherings at pagpupulong.

Sa botong 155 na yes, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 8909, na naglalayong palakasin ang drug prevention at control campaign ng gobyerno sa pamamagitan nang pag-amiyenda sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Subalit, sa Section 13 ng orihinal nitong bersyon, nakasaad na ang taong makukuhanan ng iligal na droga sa mga party, o at sa social gathering o meeting, ay papatawan ng “life imprisonment to death” at multa na P500,000 hanggang P10 million.

Nauna nang inaprubahan ng Kamara ang panukalang batas na ito noong Pebrero 4 bago pa man ito naibalik sa Committee on Dangerous Drugs dalawang araw pagkatapos.

Muling na-aprubahan ito sa ikalawang pagbasa pagkatapos ng isang araw nang mai-substitute ito ng bagong batas na hindi naglalaman ng probisyon para sa death penalty.