Nagsagawa ang House Committee on Legislative Franchises nitong Huwebes ng imbestigasyon hinggil sa umanoy mga potensyal na paglabag sa legislative franchise ng Sonshine Media Network International (SMNI), na ang ilan sa mga anchor nito ay inakusahan ng pagkalat ng fake news at sangkot sa red-tagging.
Ang hakbang na ito ay kasunod ng privilege speech ni House Deputy Majority Leader David Jay-Jay Suarez, na tumutugon sa mga akusasyon mula sa SMNI anchors na sina Eric Celis at Lorraine Badoy, na nag-claim na si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay nagkaroon ng P1.8 bilyon na gastos sa paglalakbay nito.
Mariin namang pinabulaaan ng House of Representatives ang nasabing ulat.
Sa kalaunan, ay humingi ng paumanhin si Celis kay Speaker Romualdez at sa Kamara, na nagpahayag ng panghihinayang sa anumang pinsalang idinulot ng kanilang mga pahayag sa panahon ng programa, habang pinaninindigan naman ni Badoy na hindi sila sangkot sa anumang smear campaign laban sa Kongreso.
Naghain din ng dalawang resolusyon mula sa Makabayan bloc hinggil sa SMNI isa dito ang pagpapakalat ng fake at walang basehang red-tagging ng mga indibidwal, grupo, at organisasyon partikular ang matinding pagbabanta laban kay ACT Teachers Rep. France Castro ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at SMNI.
Inihayag ni House Secretary General Reginald Velasco, at Deputy Secretary General for Finance Dante Roberto Maling, na ang travel expenses ng Office of the Speaker, at maging ng lahat na House Members, at Secretariat ay hindi umabot sa P1.8 billion.
Tugon ito sa maling balita na inihayag ng mga anchors ng SMNI.
Ayon kay Velasco nasa P4.3 million lamang ang travel expenses ng office of the speaker habang nasa P35 million ang expenses para sa mga house members at secretariat.
Sa kabuuan nasa mahigit P39 million ang kabuuang gastos ng Kamara para sa travel expenses.
Sa panig naman ni Surigao del Sur 2nd District Representative na nilabag ng SMNI ang Section 4 ng legislative franchise sa ilalim ng Republic Act No. 11422 na nagsasabi that the grantee ” shall not use stations and facilities” for dissemination of deliberately false information or willful misrepresentation to the detriment of the public interest.
” So very clear dito, bawal po sa prankisa ninyo na magsabi sa publiko ng mga maling reports,” pahayag ni Pimentel.
Inimbitahan din ni Pimentel ang atensyon ng komite sa paggamit ng prangkisa ng mga label na Shonshine Media Network International, Shonshine TV, at Sonshine Radio.
Sinabi ni Pimentel na ang prangkisa ng Swara Sug ay nagbabawal sa pagtatalaga nito ng pribilehiyo sa pagsasahimpapawid o paggamit sa ibang entity.
Kilala na raw ang Swara Sug bilang Sonshine radio-tv network.
Siniguro naman ni Rep. Gus Tambunting na titingnan din ng komite ang nasabing isyu.
Inihayag naman ni Tambunting na siyang committee chairman ng legislative franchices sa Kamara, kapag nagtatago ang SMNI sa kanilang tinatawa na waiver, ang Section 4 ay magiging useless dahil dito hindi ito papayagan.
“Under this provision, the grantee or the network is ultimately responsible for whatever its personnel, program hosts, block timers, or broadcasters say over the airwaves,” pahayag ni Tambunting sa mga opisyal ng SMNI.