-- Advertisements --
House plenary session

Sa Oktubre 28 ang target na maipapadala ng Kamara sa Senado ang soft copy ng aprubadong 2021 General Appropriations Bill (GAB).

Ayon kay Yap, lahat ng detalye na ipapadala nila sa National Printing Office (NPO) para sa printing ng GAB ay nakapaloob sa soft copy na ipapadala nila sa Senado sa susunod na dalawang linggo.

“Hindi ko pwedeng ipahiya ang Speaker ko. It will be Oct 28. But hindi siya yung hard copy. Kung ano yung sinubmit namin sa NPO, yun yung ibibigay namin sa kanila (Senate) which is yung print lang, yung sa white paper lang,” ani Yap.

Kasabay nito ay nilinaw ni Yap na hindi nila pinatatagal ang transmission ng GAB papuntang Senado para magsingit ng anumang insertions sa panukalang pondo para sa susunod na taon.

Nauna nang sinabi ni Yap na sa November 2 pa nila maipapadala sa Senado ang printed copy ng aprubadong GAB.

Paliwanag ni Yap, ngayong araw pa maaaprubahan sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang panukalang pambansang pondo.

Ngayong araw din ang deadline nito sa mga ahensya ng gobyerno upang magsumite ng kanilang amendments.

Sa darating na Lunes ay susuriin ng isang special team ang mga isinumiteng amyenda at pagkatapos niyo ay ang encoding na tinatayang aabutin ng limang araw.

Sampung araw naman ang gugulin aniya para sa printing ng National Printing Office sa approved version ng GAB.