Isusulong ng House of Representatives ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL) para makapag benta ng NFA rice sa merkado.
Ito ang iniulat ni Speaker Martin Romualdez.
Sinabi ni Romualdez na tinatrabaho na ngayon Committee on Agriculture and Food sa pangunguna ni Rep. Mark Enverga ang mga gagawing pagbabago sa nasabing batas.
Nilinaw ni Speaker Romualdez na hindi nila i-repeal ang RTL kundi ilang mga pagbabago lamang.
Layon nito na mabigyan ng abot kayang presyo ng bigas para sa ating mga kababayan lalo at patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sinabi ni Speaker, target na maamyendahan ang RTL bago mag sine die adjournment ang Kamara sa darating na May 24,2024.
Layon ng pag-amyenda sa Rice Tariffication law ay para makapag benta ng bigas ang National Food Authority (NFA) sa merkado.
Itinutulak ng Kamara na maibenta ng P20 kada kilo ang NFA rice sa merkado ng sa gayon malaking ginhawa ito sa mamimiling Pilipino.
Aminado si Speaker na nais din ni Pangulong Ferdinand Marcos na ibaba ang presyo ng bigas sa abot kayang halaga.
Kasama sa mga gagawing amendments ay yung taxes, taripa at pagbili ng NFA sa pamamagitan ng Department of Agriculture na sa ngayon ay mayruong limitasyon.
Hinikayat din ni Speaker ang mga kasamahan sa Senado na gawin nilang urgent ang gagawing amyenda ng sa gayon makaka enjoy ng mas mababang presyo ng bigas ang mga Pilipino galing sa NFA.