-- Advertisements --

Kinumpirma ng liderato ng Kamara na na-hacked nga ang kanilang official website at kasalukuyang tinutugunan na ito.

Sa isang pahayag, sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco na nagkaroon ng unauthorized access kanina sa kanilang official website.

Sa ngayon, tinutugunan na ang nasabing isyu.

Nakikipag ugnayan na rin ang House of Representatives sa Department of Information and Communications Technology (DICT), Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at sa mga concerned law enforcement agencies para imbestigahan ang insidente.

Habang ibinabalik sa dati ang website, hiling nila sa publiko ang pasensiya at pag-intindi.

Binigyang-diin ni Velasco na nakatuon sila at sisiguraduhin ang seguridad at integridad ng kanilang digital platform.

Dagdag pa ng opisyal na magpapatupad sila ng mga karagdagang hakbang upang maiwasan ang mga ganitong insidente sa hinaharap.

Paalala din ng Kamara sa publiko na maging maingat sa anumang kahina-hinalang email o komunikasyon na nagsasabi mula sa House of Representatives.