-- Advertisements --
My Post 1
IMAGE (L-R) | Former Speaker Pantaleon Alvarez, Leyte Rep. Martin Romualdez, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco

Inamin ng isang mataas na lider sa Kamara na manipis pa rin ang tsansang maluklok bilang susunod na lidedr ng mababang kapulungan si Leyte Rep. Martin Romualdez, sa kabila ng umuugong na balitang pabor dito ang karamihan ng mga kongresista.

Ayon kay House Minority leader Danilo Suarez higit 150 mambabatas na ang lumagda sa umano’y manifesto ng pagsuporta kay Romualdez bilang susunod na lider ng Lower House.

Sapat ang naturang bilang para makapaghalal ng isang House Speaker sa botohan.

Pero sa kabila nito, mahigpit din daw ang alyansa ng mga kongresista na kakalas ng suporta kapag may in-endorso ang mag-amang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Mayor Sara Duterte-Carpio.

“All of them nag-signify ng kanilang support kay Cong. Romualdez with ‘colatilla’ basta walang in-endorse ang father and daughter (President Rodrigo Duterte and Mayo Sara Duterte-Carpio),” ani Suarez.

Ang Party-list Coalition inamin na narinig na ang plataporma ni Romualdez at iba pang maugong na kandidato sa pagka-speaker.

Pero tikom ang naturang hanay na magbanggit ng kapwa mambabatas na kanilang susuportahan.

“The 50 Party-list members in the coalition pledged to vote as one. We will vote as a bloc, and we consider it (that) we are the biggest voting public in the Congress. So hanggang doon lang kami ngayon. Wala pa kaming napipisil kung sino ang aming speaker. But we’re able to achieve to forward to them the concern on the parties. They all agreed na dapat bigyan ng equal representation yung parties,” ani AKO-Bicol Rep. Alfredo Garbin.

Ayon naman sa Makabayan bloc, kaya malakas ang loob ng mga tumatakbo sa pagka-speaker ay dahil sa impluwensya ng ilang kilalang negosyante.