Patuloy na maghihintay ang House of Representatives sa pagdating ni Vice President Sara Duterte para dumalo sa plenary debates ng OVP budget para sa fiscal year 2025.
Ayon kay Deputy Majority Leader Rep. Jill Bongalon hindi pa tinalakay sa plenaryo ang panukalang pambansang pondo ng Office of the Vice President.
Ito ay dahil hindi sumipot si Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Bongalon bagamat may mga pinadalang abogado wala naman itong mga authorization ibig sabihin hindi sila otorisado na mag representa sa OVP.
Inihayag ni Bongalon na maghihintay ang Kamara ngayong araw at hanggang bukas kay VP Sara Duterte para dumalo.
Aniya, bibigyan nila ng sapat na pagkakataon ang pangalawang Pangulo na dumalo para sa pagtalakay sa plenaryo ng kanilang budget.
Ibinahagi din ni Bongalon na tila naiipit sa sitwasyon ngayon si Lanao del Sur Rep. ZIa Alonto Adiong bilang sponsor sa budget ng OVP.
Sa panig naman ni Deputy Speaker Rep. JayJay Suarez kaniyang siniguro na bibigyan ng dignidad at respeto ang Office of the Vice President.
Sabi pa ni Suarez na dapat bigyan ng prayoridad ni VP Sara ang pagtalakay sa kanilang budget para sa fiscal year 2025.