Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na mayruon ng sapat na bilang ng mga mambabatas para ma impeach si Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Velasco sa ngayon patuloy na tumataas ang bilang ng mga mambabatas na lumagda para ma impeach si VP Sara.
Una ng sinabi ni Sec gen na kailangan lamang ng 103 votes o 1/3 votes para umusad ang impeachment complaint pero sa ngayon umaabot na sa mahigit 150 at posibleng aabot ito sa 200.
Inihayag ni Sec Gen. na mamayang alas-3:00 ng hapon opisyal niyang iaanunsiyo o magrereport siya sa plenary kaugnay sa sitwasyon ukol sa tatlong impeachment laban kay VP Sara.
Batay naman sa isang source na kongresista na as of 12nn kanina nasa 140 na ang bilang.
Una ng sinabi ni Sec gen na inaasahan nila ang fast track process sa impeachment complaint.
Una ng inihayag ni Velasco na magiging exciting ang kaganapan sa plenaryo ngayong hapon sa plenaryo.
Kaninang umaga isinagawa ang isang caucus na dinaluhan ng mga majority congressman.