Naghahanda na ang lidrato ng Mababang kapulungan ng Kongreso sa pag-imbestiga sa gentleman’s agreement sa pagitan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa isyu sa West PH Sea.
Tiniyak ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na aaksyunan ang kahilingan ni Zambales first district Rep. Jefferson Khonghun para malalimang siyasatin ang kasunduan sa pagitan ng 2 lider dahil posibleng isang act of treason ito sa parte ng dating Pangulo.
Ito ay sa oras aniya na mag-resume na ang regular sessions sa Abril 29.
Ayon pa kay Dalipe, layunin ng naturang inquiry ang paggarantiya ng transparency at pagprotekta sa national interests.
Nangako din aniya ang Mababang kapulungan sa pagsasagawa ng komprehesibo at patas na imbestigasyon para maliwanagan ang kritikal na usapin.