Nakatutok ang Kamara kung sisimulan ngayong linggo ng Senado ang pagtalakay sa Resolution of Both Houses 6 para masimulan ang pagtalakay bago mag-Holy Week break ang Kongreso sa Marso.
Ayon kay House Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez, dapat tuparin ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang commitment ng Senado kay Pangulong Bongbong Marcos ang kanilang self-imposed deadline” bago kmag-Marso.
Sabi ni Suarez, naghihintay lang ang Kamara sa magiging hakbang ng Senado para masunod ang pangako ng Senate President.
Sa panig anya ng Kamara, sinabi ni Suarez, nagawa na nila ang legislative commitments kabilang ang pagpapatibay ng mga priority bills ng Pangulo kabilang ang mga panukalang batas ng LEDAC.
Dagdag pa ni Suarez, dahil wala na silang “back subjects at backlogs”, tatapusin nila iba pang oversight functions at pagpapatibay sa iba pang panukalang batas.
Una rito, pumayag na ang Senado na talakayin ang RBH6 kasabay ang hamon ng Kamara na patunayan kung may political provisions ang RBH6 na magbibigay daan para sa pag-amyenda sa ating saligang batas.