-- Advertisements --

Nakumbinsi ang Kamara na gawin lamang limang buwan ang pagpapaliban ng unang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections na isasagawa sa October 13, 2025.

Ito ay matapos magkasundo ang dalawang kapulungang ng Kongreso sa isinagawang bicameral conference committee meeting. 

Magugunitang magkaiba ang bersyon ng Senado at Kamara ng BARMM elections postponement bill dahil limang buwan ang inaprubahan ng Senado habang isang taon naman ang bersyon ng Kamara.

Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, pumayag ang mababang kapulungan na gawing limang buwan ang postponement ng BARMM elections dahil lumagda ang mga Kongresista sa bicameral conference committee report. 

Para kay Escudero, masyadong matagal ang isang taon na pagpapaliban ng halalan sa BARMM dahil magkakaroon na naman nang sapat na panahon ang Kongreso para i-reset ang eleksyon. 

Aniya, mas maikli na postponement mas mainam para matuloy na ang BARMM elections sa Oktubre. 

Samantala, inaasahan namang mararatipikahan ngayong araw ang panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang BARMM elections.