Bilang paghahanda sa bagyong Pepito namahagi ang Ako Bicol Party List at si Speaker Martin Romualdez ng mga bagong rubber boats sa ibat ibang munisipalidad at ahensiya ng gobyerno sa Bicol region na layong palakasin ang kakayahan sa pagtugon sa emerhensiya.
Ayon kay Ako Bicol Partylist at Appropriations panel chair Representative Zaldy Co na naka standy na rin ang mga heavy equipment upang matugunan ang mga potensiyal na pagguho ng lupa, baha at iba pang panganib dulot ng bagyong Pepito.
Pinasalamatan ni Co si Speaker Martin Romualdez sa pagtulong sa mga local government units at mga responders na matiyak mailigtas ang mga buhay at ma protektahan ang mga komunidad.
” To our fellow Bicolanos, always choose safety. Life is most important. Lets work together to prepare for this typhoon,” pahayag ni Rep. Co.
Nananawagan naman si Co sa mga kapwa Bicolano na manatiling informed at sumunod sa mga utos mula sa LGU.